Showing posts with label repost:kape ng ina nyo. Show all posts
Showing posts with label repost:kape ng ina nyo. Show all posts

Thursday, August 6, 2009

What Would Your Last Meal Be?



Pinoy Foods are very close to my heart and my stomach too, so Pinoy Foods It Will Be…

OK for Vegetable dishes I’ll go for LAING prepared by my Lola, Lumpiang Ubod, Pinakbet, Chopsuey, tortang talong, ginisang amplaya and the very simple Munggong Guisado.

Now for Soup Meals… Sinigang na Sugpo (even if I'm not a fan of hipon), Nilagang Baka, Tinolang Manok and Bulalo will do.

And for the Main Dishes… (now were talking) I’ll have Rellenong Bangus, Embutido, Crispy Pata, Kalderetang Baka, Lechon Manok, Dinuguan (with puto), Binagoongang Baboy, Morcon, Menudo, Pesang Dalag sa Miso, Camaron Rebusado, Paksiw na Bangus and Kare-Kare (whew!). Lahat yan served with Steaming White Rice syempre!

And for the Desserts … I’ll need to have Leche Flan, Halayang Ube, Buko Pie, Crema de Fruta and the famous Digman Halo-Halo.

I'll end my list with kapeng umusok sa init.

Pero kung wala ang mga ito,

I will gladly settle for a BIG MAC, LARGE FRIES AND A LARGE COKE.

How about you? What Would your Last Meal Be?

Sunday, July 19, 2009

Galit ka?


Ano nga ba ang madalas pagsisimulan ng ating galit?

Dahil sa trabaho ang dahilan kung bakit ako malayo sa aking mga mahal sa buhay, alam ko na sa trabaho din ako madalas nagagalit.

Here are 3 things that trigger my frenzy at work.

1. Irresponsible people- To show that I am a team player, I would gladly help colleagues. Suddenly, their work becomes your responsibility. And you’ll be blamed if there are any mistakes. Talaga naman maiinis ka kung meron kang ipnagkatiwalang bagay sa isang taong negligent, careless at makakalimutin.

2. Unfair treatment and criticisms- Favoritism, very common ito sa aming mga OFW, or at any other workpalce. Even if you are trying your best your boss will come out of nowhere and say “Don’t tell me you don’t know this” at “bakit ba parang gusto mo nang umuwi” lalo kang maiinis kapag dinugtungan pa ng “I should have asked Abdul to lead that team”. Oo na! si Abdul na walang ginawa kung hindi itimpla siya ng kape. This kind of snide remarks set off the “incredible hulk” in me.

3. Mga taong sinugaling/mandaraya at sipsep- Hindi ko na siguro dapat i-explain kung bakit at baka mainis pa ako.

Pero ako naman, I don’t stay mad for long. At most I simmer for one day. I try to repress my anger even if I have a good reason to be furious. Nasubukan ko ng magalit ng todo, pero pangit, kahit sabi ng nanay ko na pogi ako, pumapangit din ako. Kaya ngayon kapag nagalit, keep quiet lang ako or try and forget it.

Sabi nga nila masama daw kinikimkim ang galit, para daw utot, kapag pinigil mas mabantot! Pero hindi ko naman pwede sapakin yung Boss ko at mawawalan ako ng trabaho.

Short fuse, short memory.

Huwag ‘nyo lang gugusutin ang buhok ko! At maghahalo ang tinalupan sa balat. hehehe!

Peace!

ikaw galit ka ba?

Monday, March 16, 2009

Gerry's birthday

 
Posted by Picasa


On a very quiet day of the 16th day of March, about so and so years ago from today, a very loud boy was born... errr... delivered... dropped down by aliens... anyway, the proud parents named him Gerry.
Today he is celebrating his Birthday again on another country hundreds of miles away from home and family.
This time, alone...consuming double cheese burger at mcdo.

Happy brthday pare ko!

cheers!

Saturday, March 14, 2009

thursday the 12th.


remember this toy Gerry?
...
Sabi ng lola ko, huwag daw ako mag gupit ng kuko kapag biyernes – malulungkot daw ako. Sabi din ng ibang lola huwag din daw tayo magpagupit ng buhok kapag biyernes – baka daw hindi na ito tumubo muli. sabi din ng mga matatanda marami pang hindi dapat gawin kapag biyernes, lalo na kung “Friday the 13th”.

“2009” na pero marami pa din sa atin ang naniniwala sa kamalasan ng “Friday the 13th”. Nakatatawa pero isa siguro ako sa mga ‘partial believers’, siguro ay dahil sa mga nadinig ko sa aking lola at sa mga mapamahiin kong kamag-anak. At alam ko din na isa sa inyo ang kagaya ko na may ‘takot’ sa araw na ito.

Walang duda na ang ‘Friday the 13th’ ang mapagkakasunduaan nating pinakamalas na araw. Bakit??? Sa dami ng mga naisulat, salaysay, pelikula at tsismis tungkol sa araw na ito ay garantisado na pati ang magiging apo natin ay ito din ang iisipin. “Kwento ng matatanda”, iyan daw ang pinaka simpleng dahilan, bakit? Walang nakakaalam. Ngunit napakaraming ekspalanasyon tungkol dito, nasa sa iyo na kung maniniwala ka. Kasama na dito yung kwento na “Friday the 13th” daw noong kagatin ni adan ang mansanas ni eba. Ayon di sa bible mayroong 13 tao sa Last Supper. At ang isa sa mga bisita…disipulo-ang ang nag-hudas! Biyernes din daw naganap ang “Crucifixion”. At ayon sa “The Da Vincci Code” ni pareng Dan Brown, na sa isang madugong biyernes daw naganap ang pag huli at pag lipol sa mga “warrior monks”, ang legendary “Knights Templar”.

Iba pang LASMA sabi ng mga lola.
Kapag 13 tao daw ang nagsalo sa hapag-kainan, ang lahat daw ay mamamatay sa loob ng isang taon. Kung ang bilang daw ng letra sa pangalan mo ay 13, magkakaroon ka daw ng “devils luck” (Jack the Ripper, Charles Manson, Saddam Hussein, Imelda R Marcos all have 13 letters in their names). Huwag daw magpapalit ng kobre kama kapag biyernes, at baka daw bangungutin ka. Hindi din daw dapat bumiyahe kapag araw ng biyernes., malapit daw sa aksidente. Malas daw magpakasal ng biyernes. Hindi ka daw dapat maligo sa araw ng biyernes kapag lampas na ng ala-singko ng hapon. Atbp.

Lasma bekata!
Kapag mayroon swerte, syempre meron din malas. Sa negosyo, sa pag-ibig, sa isports sa sugal atbp. Hindi nga ba’t kapag di ka manalo sa “pusoy dos” ay agad na naisip mo na “malas ang katabi mo”. Pero bakit nga malas ang “Friday the 13th” ? Ewan ko. Ang mabuti pa niyan ay mag-ingat na lang tayo, hindi lang tuwing “Friday the 13th”, dapat araw-araw, naniniwala ka man o hindi sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Kaya ngayong “Thursday the 12th” mag-ingat sa lahat ng bagay. Kung ikaw ay nasa trabaho… mag-ingat mapagalitan ng boss. Kung nasa bahay ka naman… mag-ingat sa gawaing bahay. Kung nagmamaneho ka naman… “eyes on the road, not on that broad!”. At kung nasa Pinas ka naman… mag-ingat sa madurukot!

"He who laughs on Friday will weep on Sunday. Sorrow follows in the wake of joy."
The line is taken from Racine’s comedy of Les Plaideurs.

Be safe!