Saturday, March 14, 2009

thursday the 12th.


remember this toy Gerry?
...
Sabi ng lola ko, huwag daw ako mag gupit ng kuko kapag biyernes – malulungkot daw ako. Sabi din ng ibang lola huwag din daw tayo magpagupit ng buhok kapag biyernes – baka daw hindi na ito tumubo muli. sabi din ng mga matatanda marami pang hindi dapat gawin kapag biyernes, lalo na kung “Friday the 13th”.

“2009” na pero marami pa din sa atin ang naniniwala sa kamalasan ng “Friday the 13th”. Nakatatawa pero isa siguro ako sa mga ‘partial believers’, siguro ay dahil sa mga nadinig ko sa aking lola at sa mga mapamahiin kong kamag-anak. At alam ko din na isa sa inyo ang kagaya ko na may ‘takot’ sa araw na ito.

Walang duda na ang ‘Friday the 13th’ ang mapagkakasunduaan nating pinakamalas na araw. Bakit??? Sa dami ng mga naisulat, salaysay, pelikula at tsismis tungkol sa araw na ito ay garantisado na pati ang magiging apo natin ay ito din ang iisipin. “Kwento ng matatanda”, iyan daw ang pinaka simpleng dahilan, bakit? Walang nakakaalam. Ngunit napakaraming ekspalanasyon tungkol dito, nasa sa iyo na kung maniniwala ka. Kasama na dito yung kwento na “Friday the 13th” daw noong kagatin ni adan ang mansanas ni eba. Ayon di sa bible mayroong 13 tao sa Last Supper. At ang isa sa mga bisita…disipulo-ang ang nag-hudas! Biyernes din daw naganap ang “Crucifixion”. At ayon sa “The Da Vincci Code” ni pareng Dan Brown, na sa isang madugong biyernes daw naganap ang pag huli at pag lipol sa mga “warrior monks”, ang legendary “Knights Templar”.

Iba pang LASMA sabi ng mga lola.
Kapag 13 tao daw ang nagsalo sa hapag-kainan, ang lahat daw ay mamamatay sa loob ng isang taon. Kung ang bilang daw ng letra sa pangalan mo ay 13, magkakaroon ka daw ng “devils luck” (Jack the Ripper, Charles Manson, Saddam Hussein, Imelda R Marcos all have 13 letters in their names). Huwag daw magpapalit ng kobre kama kapag biyernes, at baka daw bangungutin ka. Hindi din daw dapat bumiyahe kapag araw ng biyernes., malapit daw sa aksidente. Malas daw magpakasal ng biyernes. Hindi ka daw dapat maligo sa araw ng biyernes kapag lampas na ng ala-singko ng hapon. Atbp.

Lasma bekata!
Kapag mayroon swerte, syempre meron din malas. Sa negosyo, sa pag-ibig, sa isports sa sugal atbp. Hindi nga ba’t kapag di ka manalo sa “pusoy dos” ay agad na naisip mo na “malas ang katabi mo”. Pero bakit nga malas ang “Friday the 13th” ? Ewan ko. Ang mabuti pa niyan ay mag-ingat na lang tayo, hindi lang tuwing “Friday the 13th”, dapat araw-araw, naniniwala ka man o hindi sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Kaya ngayong “Thursday the 12th” mag-ingat sa lahat ng bagay. Kung ikaw ay nasa trabaho… mag-ingat mapagalitan ng boss. Kung nasa bahay ka naman… mag-ingat sa gawaing bahay. Kung nagmamaneho ka naman… “eyes on the road, not on that broad!”. At kung nasa Pinas ka naman… mag-ingat sa madurukot!

"He who laughs on Friday will weep on Sunday. Sorrow follows in the wake of joy."
The line is taken from Racine’s comedy of Les Plaideurs.

Be safe!

No comments:

Post a Comment